Sinabi ni Gerald Anderson na si Julia Barretto na ang kanyang “the one”.

Pero masyado pa raw bata si Julia at marami pa siyang gustong matamo ng kanyang nobya.

Sa isang virtual interview ni Boy Abunda, tinanong sa aktor kung may pagkakataon ay tatanungin na ba nito si Julia na pakasalan siya, na ikinabigla ni Gerald.

Ani Abunda, naitanong niya ito dahil nabasa niya sa ilang panayam o post ni Julia na gusto ng aktres na maagang bumuo ng sariling pamilya.

“Gusto ko sagutin ‘yan talaga and siguro alam n’yo po kung ano ang isasagot ko diyan but dahil siguro she’s still very young and ang dami pa niyang maio-offer sa industriya natin and ang dami pa niyang ipapakita sa inyo, sa audience natin, ‘yung talent niya — so ayaw kong maging hadlang doon.

“If I had my way, of course, of course! Kaso hindi pa kami quota,” patuloy niya.

32 years old na si Gerald habang 24 si Julia.

The post Gerald ayaw pa magpatali kay Julia first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gerald-ayaw-pa-magpatali-kay-julia/)