Ibinahagi ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang kuwento sa malapit na karanasan sa kamatayan habang sakay ng Chopper sa Basilan kung naglunsda siya ng Malasakit Center noong Sabado, Agosto 14.

Habang nasa himpapawid, nagkaroon ng problema ang sinasakyan nitong helicopter subalit ligtas naman itong nakapag-landing at walang sinumang nasaktan sa mga sakay nito.

“While on my way to Basilan, the helicopter I was riding encountered problems. Fortunately, nobody was hurt and we landed safely. I believe that if it is our appointed time to meet our Maker, then it is our time, wherever we may be,” lahad ni Go.

Ayon sa senador, hindi siya natatakot mamatay lalo na kung nangyari ito sa pagbubukas ng isang pang Malasakit Center na makakatulong para maglitas ng buhay ng iba. Aniya, malaking karangalan ang mamatay habang nagseserbisyo sa mga Pilipino.

“Ako po’y naniniwala kung panahon mo na po sa mundong ito, panahon mo na talaga kahit saan ka pumunta. Kung kukunin ka na ng Diyos, Panginoon o Allah, wala ka pong magagawa,” sabi ni Go.

“So hindi natin masabi kung kailan ho tayo papanaw sa mundong ito. At ako naman po ay naniniwala kung panahon ko na po ngayong araw na ito para sa akin po isang karangalan na mamamatay na nagseserbisyo po para sa aking bayan, wala akong magagawa,” sambit pa nito.

Nagpapasalamat si Go sa Panginood dahil sa paglayo nito sa kapahamakan at naniniwala itong ang pagligtas sa kanyang buhay ay dahil sa may misyong pa siyang dapat tapusin.

“So salamat po, salamat sa Panginoon, salamat kay Allah na binuhay pa po ako ngayong araw na ito. Marahil po’y marami pa tayong mission sa mundong ito,” ayon kay Go.

“Ako naman po ay naniniwala, kaya nga po sa mga kababayan natin…ito pakinggan niyo itong sasabihin ko sa inyo. Ang buhay po ay napaka-ikli lamang, hindi natin masabi biglang ganon lang parang ‘pag pinatay lang ‘yung ilaw, ganon lang po kabilis,” saad pa nito.

The post Go: Karangalan mamatay habang nagsisilbi sa bayan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/go-karangalan-mamatay-habang-nagsisilbi-sa-bayan/)