Hindi pa bet ni Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na mag-asawa.

Sabi ng 30-anyos na weightlifter, gusto niyang makasungkit muli ng gintong medalya sa 2024 Summer Olympics na gaganapin sa Paris dahil kaya pa naman daw niyang magbuntis matapos nito.

“Mas madali kasi ang wedding, pero ang mas pipiliin ko, Paris 2024.

“Nakausap ko na po ‘yung kaibigan na family friend na OB Gyne, puwede pa naman daw po akong mabuntis after Paris 2024. So okay lang po na another gold. Wow pressure ako!” natatawang sabi ni Diaz sa “Tunay na Buhay” program.

Nakuha ni Diaz ang unang gold medal ng Pilipinas sa Olympics matapos manaig sa women’s 55 kilogram weightlifting event.

The post Gold muna bago baby: Hidilyn ayaw pang pabuntis first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gold-muna-bago-baby-hidilyn-ayaw-pang-pabuntis/)