Tiniketan ang 32 kataong nahuling nasa isang fitness gym sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) noong Biyernes sa Pasig City.

Ayon sa ulat, isang concerned citizen ang nagsumbong sa pulisya tungkol sa pagbubukas ng Kixstart Fitness Gyum sa Barangay Manggahan kahit pa ECQ.

Nang puntahan ng mga pulis ang nasabing gym dakong alas-5:30 p.m. ng hapon ay naabutan nila ang 32 indibidwal kabilang ang may-ari ng gym na si Francis Dominic Rosales.

Binigyan sila ng ticket ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa health protocol.

Ipinasara rin agad ang Kixtart Gym.

The post Gym kahit ECQ! 32 katao huli first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gym-kahit-ecq-32-katao-huli/)