Naramdaman ang malakas na pagyanig sa Haiti nitong Sabado matapos tumama ang magnitude 7.2 na lindol.

Namataan ang epicenter ng lindol malapit sa gitna ng Tiburon Peninsula sa southwestern Haiti.

Inalerto rin ng mga awtoridad ang mga residente sa nasabing lugar para sa maaaring pagkakaroon ng “tsunami waves.”

Ayon sa ulat, hindi bababa sa 1,000 katao ang nasawi dahil sa naturang paglindol.

Kaugnay nito, maraming mga netizen naman ang nanghingi ng panalangin para sa naturang bansa.

The post Haiti niyanig magnitude 7.2 na lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/haiti-niyanig-magnitude-7-2-na-lindol/)