Nilinaw ni Senadora Risa Hontiveros na hindi siya miyembro ng Liberal Party (LP).

Kasunod ito ng inilabas na pahayag ni LP Vice President for Internal Affairs Teddy Baguilat na kabilang si Hontiveros sa iminungkahi ng mga miyembro ng partido na makasama sa kanilang Senate slate sa 2022.

Ayon kay Hontiveros, Akbayan ang kanyang partido, na kaalyado ng LP.

The post Hontiveros hindi miyembro ng Liberal Party first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hontiveros-hindi-miyembro-ng-liberal-party/)