Muling nakwestyon ang kaligtasan ng mga Asyano, partikular ng mga Pinoy, sa US matapos ang naitalang dalawang magkahiwalay na insidente ng karahasan laban sa mga Pilipino sa New York ngayong linggo.

Ayon sa ulat ng Philippine Consulate General ngayong Sabado, naganap ang unang pag-atake noong Martes nang dalawa katao ang umatake sa isang Pinay na namamahagi lamang ng libreng face masks sa may subway.

“The assailants were shouting racial slurs at her while she was being attacked,” ayon sa ulat.

Samantala, ang isang insidente ay naganap ngayong Sabado at ang naging biktima ay ang Pinoy stage actor na si Miguel Braganza.

Ayon sa Facebook post, sinabi ni Philippine Consul General Elmer Cato na hinampas ng baril sa ulo si Braganza at pagnanakaw ang itinuturong motibo sa pag-atake.

Kaya naman nanawagan si Cato sa mga awtoridad sa US na aksyunan ang mga naiulat na insidente, at nakiusap na rin siya sa mga Pinoy doon na mag-ingat.

The post Hustisya ang sigaw! Karahasan naitala vs 2 Pinoy sa US first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hustisya-ang-sigaw-karahasan-naitala-vs-2-pinoy-sa-us/)