Inaasahang magdadala ng pag-ulan ang intertropical convergence zone sa ilang bahagi ng southern Luzon, Visayas, at Mindanao ayon sa PAGASA.

Anang ahenysa sa kanilang weather forecast nitong Martes, magiging makulimlim at maulan din sa NCR, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, N. Mindanao, at Caraga.

Dahil dito, binalaan nila ang mga residente sa nasabing mga lugar sa maaaring pagguho ng lupa kapag lumala ang pag-ulan.

Samantala, inaasahang magdudulot din ng isolated rain showers o thunderstorms ang ITCZ sa buong bnasa.

The post Ilang lugar uulanin dahil sa ITCZ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-lugar-uulanin-dahil-sa-itcz/)