Pasado na sa Kamara de Representantes ang panukala na ideklarang garlic capital ng bansa ang Ilocos Norte.

Sa botong 206 pabor, walang tumutol at isang abstention, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8109 sa ikatlo at huling pagbasa.

Ang Ilocos Norte umano ang probinsya na pinakamalaking producer ng bawang na umaabot sa 55.7% o 4,161 metriko tonelada ng kabuuang bawang na inaani sa bansa.

Sa ilalim ng panukala ay kikilalanin ng estado ang kahalagahan ng pagtatanim ng bawang at gagawa ito ng mga programa upang mas lalong mapaunlad ang industriya.

Ang industriya ng bawang ay makatutulong umano sa pagpapataas ng export income ng bansa bukod pa sa pagbibigay ng kabuhayan sa mga lokal na magsasaka.

The post Ilocos Norte gagawing garlic capital first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilocos-norte-gagawing-garlic-capital/)