Inaasahang magdudulot ng pag-ulan ang Low Pressure Area (LPA) at southwest monsoon o habagat sa Ilocos region at iba pang lugar sa Hilagang Luzon ayon sa PAGASA.

Sa kanilang weather forecast, sinabi ng ahensya na bukod sa Ilocos region, magkakaroon ng pabugso-bugsong pag-ulan sa Cagayan Valley, Abra, Apayao at Kalinga.

Anila, maaari ring makaranas ng flash floods at landslides ang mga nasabing lugar kapag patuloy pang lumalas ang ulan.

Samantala, magiging makulimlim at maulan din sa Metro Manila at buong bansa.

Anang ahensya, dapat ding maging alerto ang mga residente sa mga lugar na nabanggit sa maaaring pagbaha kapag lumala pa ang thunderstorms.

Huling namataan ang LPA 520 kilometers Silangan ng Basco, Batanes ngayong Huwebes ng madaling araw.

The post Ilocos region, 4 pang lugar uulanin dahil sa LPA, habagat first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilocos-region-4-pang-lugar-uulanin-dahil-sa-lpa-habagat/)