NEW YORK – Hinahanting ngayon ng New York Police Hate Crime Task Force ang mag-asawang Black American na gumulpi sa isang nurse na staff ng New York Health Department.

Pasa sa mukha at bukol sa ulo ang tinamo ng biktimang si Potri Ranka Manis na tubong Lanao Del Sur mula sa mag-asawang suspect habang lulan ng Subway sa Manhattan sa New York City.

Sa panayam ng Abante, sinabi ng biktima na inalok niya ng facemask ang mag-asawang suspect ng bigla siyang atakehin ng mag-asawa.

Ayon kay Potri minura at pinagsabihan daw siya ng masasakit na salita ng lalaking suspect habang nilusob naman siya ng asawa nito na pinagsusuntok siya sa mukha at ulo.

Inakala raw ng mag-asawang suspect na Intsik ang biktima na sinabihang bumalik sa China at hindi daw siya nababagay sa Amerika.

Sinabi ni Potri na wala man lang daw tumulong sa kanya habang binubugbog siya ng suspect kaya paghinto ng train ay agad niya pinindot ang emegency botton para humingi ng tulong.

Inilabas din daw niya ang kanyang cellphone para tumawag ng 911 pero inagaw daw ng suspect ang kanyang cellphone bago tumakas.

Hindi na inabutan ng mga rumesponding pulis ang mga suspect pero hawk na nila ang CCTV kung saan kinilala ng biktima ang mag-asawang suspect.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima na ngayon ay nagpapagaling na sa kanyang bahay sa Queens, New York.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng NYPD hate Crime task Force ang insidente.

The post Inalok ng face mask! Pinay nurse ginulpi ng mag asawang Kano first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/inalok-ng-face-mask-pinay-nurse-ginulpi-ng-mag-asawang-kano/)