Isang kondisyon na lamang ang hinihingi ni Naoya Inoue sa kampo ni Johnriel Casimero para matuloy ang kanilang laban.

“We firmly ask for strict doping tests so that the match will be made,” wika ni Inoue.

Ang drug testing din ang isa sa naging dahilan kaya hindi natuloy ang laban ni Casimero kay WBC bantamweight champion Nonito Donaire.

Kaya naman nais ni Inoue na makasiguro na dadaan ang WBO title holder sa nasabing doping test.

“I hope it happens this year,” dugtong pa ng Hapon, na siyang may hawak ng WBA, IBF at The Ring bantamweight belts.

Kapwa sina Donaire at Casimero ang naghahabol kay Inoue, ngunit tila ang huli ang makakasagupa ng Hapon dahil na rin sa matagal na nitong pangungulit at pang-aasar.

The post Inoue kay Casimero: Doping test bago laban first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/inoue-kay-casimero-doping-test-bago-laban/)