Tinuligsa ng mga miyembro ng Makabayan bloc si Pangulong Rodrigo Duterte na pinipersonal umano ang pag-atake kay Manila Mayor Isko Moreno dahil banta ito sa planong Duterte dynasty.

“It is disgraceful that Pres. Duterte resorted to personal attacks against Mayor Isko not because the LGU chief has failed in his work, but because he is perceived by the president as a threat to his plan of having a Duterte Dynasty by 2022,” sabi ng Makabayan sa isang pahayag.

Hinimok din ng mga mambabatas si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na ipaalala kay Duterte na ang siyudad ng Maynila ay kinilala dahil sa maayos na distribusyon ng ayuda noong Hunyo.

Sa kanyang lingguhang pagharap sa bayan, tinuligsa ni Duterte ang isang mayor sa Metro Manila na hindi umano niya pagkakatiwalaan ng ibibigay na ayuda dahil hindi organisado. Ang naging clue ng pangulo ay may litrato itong naka-bikini.

Sagot naman ng Makabayan bloc kung merong mayor na hindi organisado, walang iba kundi si “Mayor Duterte”.

“Isn’t it because of his leadership that the government failed to release more than Php10-billion cash aid under Bayanihan 1 and 2? Isn’t it because of his ineptitude that our country has the world’s longest militarized lockdown? Isn’t because of their inefficiency that the vaccination rollout remains sluggish?” saad ng Makabayan bloc.

Dahil dito ay iniuugnay umano ang pangalang Duterte sa salitang palpak.

“The Duterte presidency is indeed a gold-medalist in the Olympics of failed leadership during the pandemic,” sabi pa ng mga solon.

Ang Makabayan bloc ay binubuo nina Bayan Muna party-list Representatives Carlos Isagani Zarate, Eufemia Cullamat, at Ferdinand Gaite, Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers party-List Rep. France Castro, at Kabataan party-List Rep. Sarah Jane Elago.

The post Isko banta sa Duterte dynasty kaya tinitira nang personal—Makabayan bloc first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/isko-banta-sa-duterte-dynasty-kaya-tinitira-nang-personal-makabayan-bloc/)