Kasalukuyang stable na ang kalagayan ni Manila Mayor Isko Moreno na siyang tinamaan ng mild COVID-19 ayon sa Sta. Ana Hospital ngayong Lunes.

“His RTPCR test result turned out positive [a]nd the initial findings of his chest CT Scan result is normal. Our clinical impression: He has a mild covid disease,” saad ni Dr. Grace Padilla, direktor ng naturang ospital sa Maynila.

Sambit niya, nagpakita rin kasi ng sintomas ang alkalde tulad ng mild cold coughs at body malaise. Hindi naman aniya nilagnat ang opisyal.

Sambit ni Padilla, stable na ang kalagayan ni Isko at mahimbing pa nga ang tulog.

“Presently, he is maintained on oral anti-biotics and vitamins as supplements. He is stable comfortable and sleeping well.”

Nito lamang Linggo ng gabi kumpirmahin ng Manila Public Information Office na nagpositibo sa naturang virus si Isko. (VA)

The post Isko Moreno mild lang ang COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/isko-moreno-mild-lang-ang-covid/)