Itinanggi ng isang grupo ng mga pribadong ospital ang akusasyon ng ‘upcasing’ na isa sa mga dahilan kung bakit malaki ang duda ng PhilHealth sa mga naturang pagamutan.

Ayon kay Dr. Jose Rene De Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPi), nawawala ang tiwala ng PhilHealth sa mga pribadong ospital dahil sa upcasing na dahilan na rin kung bakit di nababayaran ang mga benepisyo ng mga pagamutan mula sa mga COVID cases.

“Do not increase the mistrust that is right now lumalabas. We are seeing some things like a post by PhilHealth regarding ‘upcasing’ and they are blaming doctors, hospitals,” wika ni De Grano sa panayam ng ANC.

Ang upcasing ay ang ginagawa umano ng mga pagamutan kung saan idinedeklara nilang may COVID ang isang pasyente na iba ang sakit upang makakuha ng mas mataas na benepisyo.

“They are trying to show that hospitals are doing this, all hospitals are doing this. That’s something na goes against the trust and supposed to be the partnership between PhilHealth and our health care providers,” dagdag ni De Grano

Mariing itinanggi ng PHAPi ang alegasyon ng PhilHealth dahil lehitimo umano na COVID cases ang kanilang idinedeklara at ang mga ito raw ay resulta ng RT-PCR test.

The post Itinanggi ‘upcasing’: COVID cases sa pribadong ospital totoo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/itinanggi-upcasing-covid-cases-sa-pribadong-ospital-totoo/)