Pinabagsak ni Pinoy boxer Jonas Sultan sa ikapitong round ang katunggaling Amerikano na si Sharone Carter nitong Linggo sa undercard ng bakbakang Casimero-Rigondeaux sa Carson, California.

Matalas ang mga suntok ni Sultan na tila ba hindi siya nagpahinga ng dalawang taon sa boxing. Pinaulanan niya ng kombinasyon si Carter hanggang sa bumigay na ito sa 2:29 minuto ng ika-pitong round.

Dahil sa panalo ay inangat ni Sultan ang record niya sa 17-5, 11 Kos.

Bago ang laban kay Carter ay huli siyang tumungtong sa ring noong 2019.

Minsan na ring naging title contender si Sultan at isa pa nga siya sa tumalo kay John Riel Casimero noong 2017 via unanimous decision.

The post Jonas Sultan nasungkit KO win first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jonas-sultan-nasungkit-ko-win/)