Sinabi ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na tatanggap pa rin sila ng mga pasyente kait na nasa full capacity rate na ang kanilang ospital bunsod ng COVID at leptospirosis case.

“If they come to us, we take care of them, yes, and stabilize them. Sometimes, there may be some cardiac patients that are not really renal. If we can arrange it with other hospitals or the Heart Center, we network with other hospitals in the NCR,” wika ni NKTI executive director Dr. Rose Marie Rosete-Liquete sa panayam ng ANC nitong Martes.

“That’s why we were able to transfer more or less stable patients to [Tala Hospital] and PGH also, and the National Center for Mental Health, and the National Children’s Hospital for our leptospirosis, pediatric patients,” dagdag pa niya.

Anya, nasa 110 COVID patients na ang nasa kanilang tanggapan at 53 naman ang kaso ng leptospirosis.

Nito lamang Linggo nang maglabas ng abiso ang naturang ospital tungkol sa pag-lanslide ng mga kaso ng COVID at leptospirosis sa kanilang ospital.

“There is an increasing number of COVID-19 SARS 19 and Leptospirosis cases at the NKTI. Right now, we are in full capacity of our COVID-19 in hospital beds,” saad nila sa kanilang abiso.

Dahil dito, pasnsamantala nilang binuksan ang kanilang gymnasium bilang pansamantalang tutuuyan ng mga pasyenteng may leptospirosis.

“We have opened our gym for Leptospirisos patients. [W]e have installled dialsysis machines for exclusice use of Leptrospirosis patients so as not to mingle with COVID-19 patients.”

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/di-lang-covid-ihi-ng-daga-problema-na-rin-nkti/

The post Kahit apaw na: NKTI tuloy sa pagtanggap ng mga pasyente first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-apaw-na-nkti-tuloy-sa-pagtanggap-ng-mga-pasyente/)