Pinaplano ng Department of Health (DOH) na gawing prayoridad sa pagbabakuna ang mga kasama sa bahay ng mga senior citizen.

Sa pahayag ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje nitong Linggo, sinabi nito na pinag-aaralan nila ang naturang plano lalo’t dumarami na ang bilang ng mga nabakunahang senior citizen.

“We are coming up with another strategy — ‘yung A2 (senior citizens) plus one. Ibig sabihin, senior citizen, dinala ng household member, pati ang household member babakunahan,” pahayag ni Cabotaje sa panayam ng Dobol B TV.

Dagdag pa niya, ang pinaplano nilang idamay sa pagbabakuna ay ‘yung mismong nag-aalaga sa senior citizen.

Bukod dito ay balak din ng ahensya na isama sa priority list ang mga nagaalaga sa mga people with comorbidity o ‘yung mga kabilang sa A3 list.

The post Kapamilya, bantay ng senior idadamay sa priority list – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kapamilya-bantay-ng-senior-idadamay-sa-priority-list-doh/)