Nalungkot man sa pagkatalo ni Senador Manny Pacquiao kontra sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas, siya pa rin ang “champion” sa puso ng sambayang Pilipino, ayon sa mga senador.

“He is still my champion!He made the Filipino proud!” mensahe ni Senate President Vicente Sotto III.

Tinalo ni Ugas si Pacquiao para mapanatili ang kanyang WBA (Super) welterweight crown sa pamamagitan ng unanimous decision sa 12-round na laban sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, hindi man nasungkit ni Pacquiao ang korona, pinatunayan naman nito na isa siyang ‘legendary fighter’.

“Sen. Manny Pacquiao may not have brought home this title, but he has once again proved himself a legendary fighter—the best athlete we have ever had, and the world has ever seen,” sabi ni Zubiri.

“After decades of victories in the ring, he continues to improve and to challenge himself, and to fight with the same spirit and humility he had as an amateur boxer,” dagdag nito.

Sabi naman ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, si Pacquiao ay isang national treasure at ipinakita nito ang katapangan at kahusayan ng pusong Pilipino sa larangan ng sports.

“Congratulations pa rin sa atin Pambansang Kamao, our national treasure, Sen Manny Pacquiao for a gallant competitive world championship fight. Pinakita niya ang katapangan at kahusayan ng pusong Pilipino sa larangan ng sports na pwede din natin magamit sa ibang aspeto ng buhay,” ani Pimentel.

“Siempre congratulations din kay Ugas na ipinakita sa mundo na siya ay isang tunay at deserving na world champion sa kanyang weight division. Salamat Manny sa 20+ years ng pagpapakilala sa galing ng Pilipinas at Pilipino sa buong mundo,” sambit pa nito.

Nagpaabot din ng pasasalamat sina Senador Bong Go at Sen. Nancy Binay ng pasasalamat sa Pambansang Kamo.

“Maraming salamat sa ipinamalas mong tapang. Isa kang huwaran na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataang atleta at sa bawat Pilipino. Senator Manny, sa muli, maraming, maraming salamat at mabuhay ka!” sabi ni Go.

Sabi naman ni Binay: “A champion is defined not by his wins but by how he overcomes setbacks. Time and again, Pacman has proven that he has the heart of a champion. He will come back better and stronger.”

The post Kapwa senador bilib pa rin kay Pacquiao first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kapwa-senador-bilib-pa-rin-kay-pacquiao/)