Ipinakita sa datos na inilabas ng Philippine General Hospital (PGH) na mayorya sa kanilang mga COVID patient ay mga hindi pa naturukan ng COVID vaccine.

Kasalukuyan kasing may 265 COVID-19 patients ang PGH — 187 dito ang hindi pa nababakunahan, 53 ang fully vaccinated, at 25 ang nakatanggap na ng first dose.

Kaugnay nito, isinaad din ng ospital na 13 sa mga COVID patient ay nasa intensive care unit.

Sa 13 na ito, 9 ang hindi pa nababakunahan, 2 ang fully vaccinated, at 2 naman ang nakatanggap na ng first dose.

Ayon sa ulat ng GMA News, 12,460,438 katao na sa bansa ang fully vaccinated kontra COVID-19, malayo sa 70 milyon nilang target ngayong taon.

The post Karamihan ng COVID patients sa PGH mga ‘di bakunado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/karamihan-ng-covid-patients-sa-pgh-mga-di-bakunado/)