Sa gitna ng isyu ng deficiencies sa pondo ng Department of Health (DOH), hindi si Secretary Francisco Duque III ang itinuturing ni dating Senador Antonio Trillanes IV bilang ‘mastermind’ ng katiwalian.

Ayon kay Trillanes, kaya hindi matanggal-tanggal sa pwesto bilang kalihim si Duque ay dahil utusan lamang siya ng mastermind ng katiwalian – si Pangulong Rodrigo Duterte.

“’Di n’yo pa ba makuha? Inuutusan lang ‘yan si Duque kaya pino-protektahan. Ang protektor ang mastermind ng katiwalian. Ito ay wala ng iba kundi si DUTERTE AT ANG DAVAO GROUP!!!” saad sa Facebook post ni Trillanes nitong Huwebes.

Matatandaang si Duterte mismo ang nagsabi na ilang beses nang nagpaalam si Duque upang magbitiw sa pwesto ngunit hindi niya ito pinayagan.

“In the past, you have attempted to resign twice. I expect you to say something after this. You will resign. I will tell you, ‘No.’ You did nothing wrong. Why should you resign?” pahayag ng pangulo noong Lunes. (MJD)

The post Kaya ‘di matanggal: Duque galamay ni Duterte – Trillanes first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaya-di-matanggal-duque-galamay-ni-duterte-trillanes/)