Isang citizen’s movement na tinatawag na Hugpong Para kay Sara (HPS) ang itinayo upang tulungan at kumbinsihin si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa 2022 presidential elections.

Ayon kay Deputy Speaker and Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera, spokesperson ng HPS, nagtutulong-tulong ang kanilang mga miyembro upang pag-aralan ang mga dapat na gawin ng gobyerno para agad na makaahon sa pandemya.

“We are doing all these research and study to play on the obvious strengths of Mayor Sara which is her commitment to continue to her father’s legacy, but at the same time use her independent spirit, decisiveness and style of thoroughly thinking of developmental solutions, qualities which clearly propelled her to the top of recent surveys,” sabi ni Herrera.

Ang HPS ay binubuo ng mga indibidwal mula sa business sector, academe, ekonomista, lokal na pamahalaan, mga mambabatas at mga ordinaryong tao.

Sinabi ni Herrera na naiintindihan ng HPS kung bakit hindi pa nakakapagdesisyon ang alkalde hanggang ngayon dahil hindi ordinaryo ang problemang haharapin ng susunod na pangulo at sa tulong ng kanilang mga pag-aaral ay maipakikita umano ang tamang gawin.

“She wants to assess if she can do this job, if she has the ability to help the Filipino people, small and big businesses, and our health sector, among others, now suffering due to the COVID-19 pandemic,” saad ng lady solon.

Wala namang nakikitang problema si Herrera kung ang bansa ay muling pamunuan ng isang babae.

“If a woman such as Mayor Sara can combine her refined, thoughtful leadership, with the strong will and decisiveness of President Duterte, I don’t see how our country cannot recover,” dagdag pa ni Herrera.

The post Kilusan itinayo para patakbuhin si Sara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kilusan-itinayo-para-patakbuhin-si-sara/)