Kinumpirma mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo nito sa pagka-bise presidente sa darating na 2022 national elections.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng pangulo na itutuloy niya ang kanyang nasimulang krusada laban sa illegal na droga.

Sinabi ng pangulo na nag-aalala siya sa hindi matapos-tapos na problema sa illegal na droga, insurhensiya pati na rin sa kriminalidad.

“Gusto talaga ninyo? Oh sige, tatakbo ako ng bise presidente. Then I will continue the crusade. I’m worried about the drugs, insurgency –well, number one is insurgency then criminality,drugs,” anang pangulo.

Nauna rito, kinumpirma ni Secretary to the Cabinet at Executive Vice-President ng PDP Laban na tinanggap na ng pangulo ang pag-endorso sa kanya ng partido para tumakbo sa pagka-bise presidente sa darating na eleksyon.

Sinabi ni Pangulong Duterte na wala man siyang kapangyarihan para magbigay ng direksyon o gabay pero maaari naman aniyang kanyang pananaw sa publiko.

“For whatever it may be worth in the coming days, nasa Pilipino na yan. Nandiyan lang ako, magsabi lang ako,” dagdag ng pangulo.

The post Kumpirmado: Duterte tatakbong VP sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kumpirmado-duterte-tatakbong-vp-sa-2022/)