Nagpositibo sa coronavirus si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), asymptomatic si Bello at kasalukuyan nang nagka-quarantine sa hometown niyang Ilagan City, Isabela.

Noong Sabado sumailalim sa COVID test si Bello, na fully vaccinated na kontra COVID.

“Even while in isolation, the secretary continues to discharge his functions,” pahayag ng DOLE.

Matatandaang sinabi ng mga eksperto na hindi garantiyang hindi na tatamaan ng virus ang mga nabakunahan ngunit maiiwasang magkaroon ang mga ito ng malalang sintomas ng COVID-19 at maospital. (IS)

The post Labor chief Bello sapol ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/labor-chief-bello-sapol-ng-covid1/)