Umapela si Senador Panfilo Lacson sa Department of Health na tanggalin na ang kanilang autopilot system dahil hindi naman na gumagana ang kanilang effort sa paglaban sa pandemya.

Ayon kay Lacson, dapat maging creative at innovative ang DOH sa pagkontrol ng coronavirus disease. Ito’y bunsod ng pagsampa ng aktibong kaso ng Covid-19 sa 100,000 nitong nagdaang linggo lalo na sa Metro Manila.

“It is time for top management of DOH to deactivate their ‘auto-pilot mode’ in fighting the pandemic. It’s clearly not working,” sabi ni Lacson sa kanyang Twitter account.

Ang Pilipinas ay pang-22 sa buong mundo at pangala sa Asya pagdating sa bilang ng kaso ng coronavirus.

“Maybe it’s time to be creative and innovative. Think, think, think – for a change,” payo ng senador sa health department na pinamumunuan ni Secretary Francisco Duque.

The post Lacson sa DOH: Maging creative laban sa pandemic first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-sa-doh-maging-creative-laban-sa-pandemic/)