Dumating sa bansa ngayong Biyernes ng umaga ang 582,500 doses ng AstraZeneca vaccine.

Ayon sa ulat ng dzBB, dakong alas-9:20 a.m. ng umaga lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang China Airlines flight CI701 na may dala ng mga bakuna.

Ang mga ito ay parte ng biniling bakuna ng pribadong sektor sa ilalim ng kanilang A Dose of Hope program, kung saan sa kabuuan ay anim na milyong doses ang kanilang binili.

Samantala, Biyernes ng hapon naman ay inaasahan na darating pa ang 739,200 doses ng Sinopharm vaccine na donasyon naman ng China.

Sa tala nitong Huwebes, umabot na sa 45,940,390 doses ang mga bakunang dinala sa Pilipinas.

The post Lagpas 580K AstraZeneca vaccine dumating sa Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lagpas-580k-astrazeneca-vaccine-dumating-sa-pinas/)