Ibinaba na ang quarantine classification sa Laguna, Cagayan de Oro City at Iloilo City sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula sa pagiging enhanced community quarantine (ECQ) na naging daan kaya nagpatupad ng lockdown.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force para ilagay sa MECQ ang tatlong nabanggit na mga lugar mula August 16 hanggang August 31,2021.

“President Rodrigo Duterte approved the recommendation of the IATF to de-escalate thr classification of Laguna,Iloilo City and Cagayan de Oro City from enhanced community quarantjne to modified enhanced community quarantine beginning August 16 until August 31,2021,” ani Roque.

Mananatili namang nasa ECQ ang Metro Manila hanggang August 20, at Bataan hanggang August 22.

Ang mga lalawigan ng Bulacan, Aklan, Apayao ay nasa MECQ status mula August 16 hanggang August 31, 2021.

Ang Bulacan at Aklan ay naunang inilagay sa MGCQ with heghtened restrictions mula a uno hanggang a-kinse ng Agosto.

Mananatili naman sa MECQ hanggang sa katapusan ng buwan ang mga lalawigan ng Iloilo, Cavite,Rizal, Lucena, Lapu Lapu, Mandaue at Cebu.

Inilagay naman sa GCQ with heightened restrictions ang lalawigan ng Quezon at Batangas hanggang sa katapusan ng buwan, gayondin ang mga lalawigan ng Ilocos Sur, Cagayan, Naga City, Bacolod City, Capiz, Negros Oriental, Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro at Butuan City.

Ang Antique at Cebu province ay nasa GCQ with heightened restrictions simula sa August 16.

Nanatili naman sa GCQ ng walang kakabit na restrictions ang Baguio City, Santiago City, Quitino, Isabela,Nueva Vizcaya,Puerto Princesa, Guimaras, Negros Occidental, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Zamboanga del Norte,Davao Oriental, Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North at South Cotabato.

Mananatili naman sa regular GCQ ang Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat islands at Cotabato.

Ang mga lugar na hindi binanggit ay nasa MGCQ hanggang sa August 31,2021.

The post Laguna, Iloilo City at CDO, ibinaba sa MECQ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/laguna-iloilo-city-at-cdo-ibinaba-sa-mecq/)