Pinalawig ng Inter-Agency Task Force ang enhanced community quarantine (ECQ) status sa lalawigan ng Laguna hanggang August 20.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang ECQ extension ay batay sa rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos ang ginawang konsultasyon sa mga lokal na opisyal ng Laguna.

“The Inter-Agency Task Force has extended the Enhanced Community Quarantine of Laguna until August 20, 2021, upon the recommendation of the DILG and after the consultation with the local government of Laguna,” ani Roque.

Binawi ng IATF ang naunang resolusyon kung saan magtatapos sana ngayong araw ng Linggo, August 15, 2021 ang ipinatupad na ECQ na nagsimula noong August 6, at ibababa sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula August 16-31, 2021.

Binigyang-katwiran ni Roque na ang pagpapalawig sa lockdown sa Laguna ay para mabawasan at mapabagal ang pagkalat ng kontaminasyon ng COVID-19, at mapaganda ang health system capacity para sa proteksyon ng mas maraming mamamayan ng lalawigan.

Bagamat mayroon ng naunang klasipikasyon na itinakda para sa Laguna simula sana ngayong araw ng Linggo, sinabi ni Roque na mayroong kapangyarihan ang IATF na baguhin, paikliin o palawogin ang quarantine status sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“This is in pursuant with Executive Order 112 giving authority to the IATF to impose , lift, or extend a community quarantine in provinces, highly urbanized cities, and independent component cities,” dagdag ni Roque.

The post Laguna tiis sa ECQ hanggang Agosto 20 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/laguna-tiis-sa-ecq-hanggang-agosto-20/)