Nanawagan si Sen. Grace Poe sa mga pinuno ng ahensya ng gobyerno na doblehin ang kanilang pagsisikap na maging accessible online ang kanilang serbisyo para madaling makipagtransaksiyon ang mga tao at organisasyon sa gitna na patuloy pa ring pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Online transactions and services should be faster and could help government save money in the long run,” sabi ni Poe, chairperson ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies.

“We have been in this situation since March 2020 and there’s still a lot of room for improvement. Except for situations that require people to be physically present such as in capturing their biometrics, many other services should be done online,” dagdag nito.

Nitong Lunes, nakapagtala ang Department of Health ng record-high 18,332 bagong kaso ng COVID-19. Hindi pa dito nakikita ang bilang ng epekto ng pinakabagong lockdown o enhanced community quarantine.

“In the long run, the government can even realize savings from overhead expenses such as rent and utilities,” ayon kay Poe. “This is also a good opportunity for the government to streamline its processes and cut red tape.”

Ilan sa mga ahensiya ng gobyerno na dapat ring madaliin ang pagkakaroon ng digitalisasyon ay ang National Bureau of Investigation, Land Transportation Office, Bureau of Internal Revenue at iba pa para maiwasan ang mahabang pila ng mga tao sa pagkuha ng clearance at lisensiya.

“Government agencies, however, should also invest on their systems so that they do not fall prey to hackers and compromise the personal information of their clients,” dagdag pa ni Poe.

The post Lahat ng transaksyon sa gobyerno dapat digital na – Poe first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lahat-ng-transaksyon-sa-gobyerno-dapat-digital-na-poe/)