Tumawag ng pansin ang Facebook post ni Mike Hanopol noong Agosto 21 dahil sa ibinahagi niyang kwento tungkol sa pandaraya umano sa kanya ni Manny Pacquiao.

Sa post ng 75-anyos na singer, ibinahagi niya na nagpagawa raw ng Hebrew songs ang boxer-senador sa kanya kung saan siya ang sumagot ng gastos para sa studio at mga musikero.

Ani Hanopol, hindi raw siya binayaran ni Pacman.

Kaya ang tanong niya, nasaan na raw ang sinasabi ni Pacquiao na nais niyang makatulong sa kapwa.

“San ang tulong na sinasabi mo di ka na naawa matanda na ako niloko mo pa ako,” saad sa post ni Hanopol. (MJD)

The post Laki sa layaw? Hanopol tinakasan ni Pacquiao first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/laki-sa-layaw-hanopol-tinakasan-ni-pacquiao/)