Hindi pa nalalagdaan at nakabitin pa rin ang multi-party deal sa pagitan ng local government units at ng pribadong sektor para sa pagbili ng mahigit 10 milyong COVID-19 vaccine, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Dahil dito, sinabi ni Zubiri na kanyang paiimbestigahan sa Senado kung bakit hanggang ngayon ay nakatengga pa rin ang mga kasunduang ito.

Sabi nito, naghain siya ng isang resolusyon na humihiling sa Senate Committee of the Whole na siyasatin ang hindi pa napipimrhanang multi-party agreements (MPAs) na isinumite ng LGUS at pribadong sektor.

Ayon sa resolusyon, raming LGUS at may 300 pribadong kumpanya ang may nakabinbing MPAs na tinatayang aabot sa 10 milyong dose ng coronavirus vaccine.

“The feedback by most of the LGUs na kinausap ko, wala pa. Almost all have not been signed. I think the only ones that have been signed na may tripartite ay yung grupo ni Joey Concepcion, that’s private and I think the one of Ricky Razon,” sabi ni Zubir sa panayam sa ANC.

“Until now, we’re still waiting, not a single tripartite agreement of these local government units has been signed, “It’s all on hold,” dagdag pa nito.

Binanggit pa ni Zubiri ang Covid-19 Vaccination Program Act of 2021 kung saan inaatasan ang Department of Health at and National Task Force na makipag-negosasyon at mag-apruba sa terms and condition ng pagbili ng bakuna sa pagitan ng LGUS at pribadong sektor.

“Here’s a situation where you have LGUs already administering the vaccines, and they are willing to buy more vaccines for their constituencies, at no cost to the national government,” sabi ni Zubiri sa hiwalay na statement.

“Even my own province of Bukidnon has allotted as much as P500 million to purchase vaccines for 250,000 recipients, but our LGU has not been able to do so due to the non-action on these MPAs with the national government,” saad nito.

“As it stands, no one knows what’s causing the delays, and it’s frustrating,” dagdag pa ni Zubiri.

The post LGUs, private firm tripartite deal sa pagbili ng COVID-19 vaccine, nakabitin – Zubiri first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lgus-private-firm-tripartite-deal-sa-pagbili-ng-covid-19-vaccine-nakabitin-zubiri/)