Nagpositibo sa COVID-19 si Senador Lito Lapid, ayon sa pahayag ng kanyang staff ngayong Lunes.

Ayon sa kanyang chief of staff na si Jericho Acedera, dinala na sa Medical City sa Clark ang senador.

Sa kabutihang palad, mild symptoms lang umano ang tumama kay Lapid.

Dagdag pa niya, lahat ng close contacts ni Lapid ay sumailalim na sa COVID testing at inatasang sumunod sa COVID protocols.

Nagnegatibo naman daw ang mga ito sa kanilang antigen test at walang iniindang COVID symptom.

Napaganda rin daw na pahinga ang sesyon ng Senado kaya’t kakaunti lamang ang napalapit kay Lapid.

The post Lito Lapid sapul ng COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lito-lapid-sapul-ng-covid-19/)