“Naku po, ayun na!” Ito na lang ang naging reaksyon nI Toni Gonzaga nang biruin ni House Deputy Speaker Loren Legarda na baka maging senadora rin siya.

Sa eksklusibong panayam ni Toni G. sa 61 anyos na opisyal, sinabi nito na wala sa isip niya noon ang pasukin ang mundo ng politiko hanggang sa nakapanayam niya si dating presidenteng Fidel V. Ramos.


“Enjoy na enjoy ako sa journalism. I envison myself na parang Barbara Walters. Until age of maturity ay journalist ako,” sambit niya.

Sumingit naman si Toni at sinabing: “Until you interviewed Fidel Ramos.”

Ikinwento naman ni Legarda ang eksena nang panayam nila noon ni FVR.

“Ganito kami sa Rizal room,” sambit niya.

“Baka ikaw maging senador ka kasi tinanong niya sa ‘kin ganon,” hirit niya.

Magkamukha kasi ang eksena ng ng interview ni Legarda kay FVR noong 1997 sa naging panayam ni Toni sa kanya.

Natawa na lang si Toni dito.

“Siguro kasing galing [ako] ni Toni Gonzaga. [I] was interviewing Ramos and then he asked me, “gusto mo ba maging senador?” sabi niya.

Tumugon naman dito si Legarda at sinabing: “Mr. President hindi po, I was enjoying my career as a journalist. I was the producer of The Inside Story, I was doing The World Tonight, I was doing documentaries.”

Aniya, hinikayat siya noon ni FVR na tumakbo at mamuno sa bansa dahil pareho silang “national security expert.”

“Subukan mo, test the waters,” wika raw sa kanya ni FVR.

“The rest is history,” ani Legarda.

Taong 1998 nang unang maluklok bilang senadora si Loren na siyang nakakuha nang mahigit 15 milyon votes.

Kasalukuyan siyang isang cultural worker, Kinatawan ng Antique, at House Deputy Speaker.

The post Loren Legarda kay Toni G: Baka maging senador ka first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/loren-legarda-kay-toni-g-baka-maging-senador-ka/)