Dumating na sa bansa nitong Miyerkoles ang 365,040 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, unang dumating ang 51,480 doses sa Cebu pasado alas-6 ng gabi kahapon.

Sunod naman na dumating ang 313,560 doses sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas-8 ng gabi.

Ayon sa ulat ng GMA News, sinalubong nina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at US Chargé d’Affaires John Law ang pagdating ng naturang batch ng bakuna.

Ani Galvez, ipamimigay ang bakuna sa mga lugar na hindi pa naambunan ng naturang brand ng COVID vaccine.

“‘Yung karamihan dito ‘yung bibigyan natin are those areas na hindi pa nabibigyan ng Pfizer. We are trying to roll out to them,” sambit niya.

The post Mahigit 365K doses ng Pfizer COVID vaccine dumating na sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mahigit-365k-doses-ng-pfizer-covid-vaccine-dumating-na-sa-pinas/)