Dumating na sa bansa nitong Miyerkoles ng gabi ang 813,150 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Ayon sa ulat ng PTV, sinalubong nina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at U.S. Embassy Chargé d’Affaires John Law ang pagdating ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport.

Ani Galvez, mayorya sa mga bakunang dum,ating ay ipamamahagi sa Region 1, Region 4A , Region 3, at ilang lugar sa Visayas at Iloilo.

Kaugnay nito, ipinahay ni Law ang kanilang pagkatuwa para sa “extraordinary work” na ginagawa ni Galvez at kanyang mga kapwa manggagawa.

“We have been working closely with Secretary Galvez and his team and they are doing extraordinary work to bring as many vaccines as quickly as possible in the Philippines to help ensure the widest possible access,” sambit niya.

The post Mahigit 800K Pfizer COVID vaccine lumapag na sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mahigit-800k-pfizer-covid-vaccine-lumapag-na-sa-pinas/)