Matapos ang 25 taon mula nang manalo ng pilak sa Atlanta 1996 Olympics, nabiyayaan si Pinoy Olympian Mansueto “Onyok” Velasco Jr. ng isang negosyo at P100,000.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, inimbitahan ang silver medalist boxer sa opisina ng Chooks-to-Go nitong Biyernes para bigyan ng sarili niyang chicken store sa Quezon City.

“We’re giving one Chooks-to-Go store to Onyok because as a Filipino we owe it to him for bringing honor to our country,” wika ni Ronald Mascariñas na siyang preisente ng kumpanya.

“We are also giving him an additional P100,000 so that he can have a long-delayed honeymoon in Boracay with his wife May,” dagdag pa nito.

Ani Onyok, wala siyang ideya na bibigyan pala siya ng naturang kumpanya ng negosyo at pabaong pera.

“Pinapunta ako dito ni sir Ronald dito at dalhin ko raw ’yung medal ko. Hindi ko alam kung bakit. ’Yun pala eto ’yung surprise sa akin,” aniya.

Nito lamang nakaraang linggo nang tiniyak ni Senador Bong Go ang atleta na bibigyan siya ng pamahalaan ng P500,000 matapos pumutok ang tsismis na wala siyang nakuhang incentive sa pagkapanalo niya taong 1996.

“We have nothing to do with those false promises since they happened more than 20 years ago. We just want to recognize Onyok’s accomplishment for giving honor to our country and somehow compensate for those false promises,” ani Go.

The post Makalipas 25 taon: Onyok binigyan negosyo, P100k para sa tagumpay noong 1996 Olympics first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/makalipas-25-taon-onyok-binigyan-negosyo-p100k-para-sa-tagumpay-noong-1996-olympics/)