Upang maibalik lang ang naudlot na PBA Philippine Cup, nagkasundo umano ang mga manlalaro na sila na mismo ang gagastos makalaro lamang sa Pampanga.

Ayon sa ulat, nagorganisa si Ginebra guard LA Tenorio ng pulong ng mga team captain kung saan napagkasunduan na mismong mga manlalaro ay gagastos para maituloy ang torneo sa Clark, Pampanga.

Nitong Agosto ay naantala ang torneo dahil sa dalawang linggong enhanced community quarantine sa NCR.

Napagusapan umano ng mga team captain na ang mga manlalaro at coaching staff ang gagastos sa kanilang pagkain, hotel accommodation at transportation matuloy lamang ang paglipat ng venue sa Clark.

Dahil dito, posibleng magbalik-aksyon ang PBA sa Agosto 29.

The post Makapaglaro lang! PBA players ambagan sa bubble first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/makapaglaro-lang-pba-players-ambagan-sa-bubble/)