Bumubuti na umano ang kalagayan ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna matapos madale ng COVID-19 ayon sa Sta. Ana Hospital nitong Lunes.

“Vice Mayor Ma. Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan, MD, FPDS is still doing well each day,” saad ni Dr. Grace Padilla, direktor ng naturang ospital sa isang pahayag.

Dagdag pa rito, nakumpleto na rin aniya ng bise alkalde ang antibiotics at kasalukuyang kinukumpleto na rin ang isolation period.

Dahil dito, maaari na aniyang umuwi ang opisyal sa Huwebes.

Samantala, sinabi rin ni Padilla na stable ang kalagayan ni Manila Mayor Isko Moreno na merong mild COVID-19 disease.

“His RTPCR test result turned out positive [a]nd the initial findings of his chest CT Scan result is normal. Our clinical impression: He has a mild covid disease,” sambit ni Padilla nitong Lunes.

“Presently, he is maintained on oral anti-biotics and vitamins as supplements. He is stable comfortable and sleeping well,” dagdag pa niya. (VA)

BASAHIN: Isko Moreno mild lang ang COVID

The post Manila VM Honey Lacuna bumubuti na kalagayan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/manila-vm-honey-lacuna-bumubuti-na-kalagayan/)