Kinagigiliwan ngayon online ang litrato ni Jenice de Belen kung saan makikitang susubo siya kahit nakasuot ng face shield.

Ani Maris Racal, titikman kasi sana ng aktres ang luto niya sa guesting nila sa “Magandang Buhay.”

“context: titikman ni ms janice de belen yung luto ko,” ani Maris sa tweet.

Aliw naman ang mga netizen dito.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ni Maris sa naturang show ang mga rason bakit naging bet niya ang kanyang nobyo na si Rico Blanco.

Kuwento niya, pareho kasi sila ng values lalo na pagdating sa pamilya.

“Before I would say music kasi doon kami nag-start nag-click talaga, nag-work together. But like now, siguro malaking percentage ‘yung pareho kami ng values sa life, pareho kaming may malaking family and very close together. So gets namin kung paano mag-treat ng family. So ‘yun ang pinaka-importante talaga sa amin,” wika niya.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/galawang-rico-blanco-kumikiliti-kay-maris/

The post Maris Racal ‘pinahiya’ si Janice de Belen first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maris-racal-pinahiya-si-janice-de-belen/)