Humihirit ng mas malaking badyet ang administrasyon ni Pangulong Duterte para sa susunod na taon.

Anila, gagamitin nila ito pang paigting ng seguridad at kapayaan sa bansa.

Sa ilalim ng National Expenditure Program for 2022, nakatakdang tumanggap ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng ₱28.1 bilyon na gagamitin umano bilang panuldok sa komunismo.

“I mentioned in my first Budget Message that I would double or even triple the efforts of the government to reduce criminality in our country,” hayag ni Duterte.

“True to our word, the administration has never held back,” pagpapatuloy niya.

Bukod dito, may P4.5 bilyon ding inihihirit para sa “intelligence and confidential expenses” ng Pangulo.

Nito lamang Lunes nang isinumite ng Palasyo sa Kongreso ang pinal na proposed national budget para sa susunod na taon.

Nanatili namang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking pinaglaanan ng pera para sa 2022 national budget.

The post Mas malaking badyet para sa NTF-ELCAC, intel hirit ng Duterte admin para sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mas-malaking-badyet-para-sa-ntf-elcac-intel-hirit-ng-duterte-admin-para-sa-2022/)