Inendorso ng House Committee on Higher and Technical Education sa Kamara de Representantes na aprubahan ang panukala na damihan ang mga aralin tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas noong World War II sa kurikulum ng tertiary education.

Sa ilalim ng House Bill 9850, ilalaan ang 50% ng Philippine history subject sa mga nangyari noong WWII.

“(The measure seeks) to inculcate the youth patriotism and nationalism and to foster love of humanity, respect for human rights, and appreciation of the role of the national heroes in the historical development of the country,” saad ng panukala.

Ang Commission on Higher Education (CHED), katuwang ang Philippine Veterans Affairs Office-Department of National Defense (PVAO-DND) ang mangangasiwa sa pagpapatupad ng panukala kapag ito ay naisabatas.

Layunin din ng panukala na ma-preserve ang paghihirap ng mga bayaning Pilipino upang maibalik ang kalayaan ng bansa mula sa pananakop ng mga Hapon.

Hinihimok din ng panukala ang mga library ng higher education institutions (HEI) na maglaan ng mga libro, iba pang babasahin at reference materials kaugnay ng WWII.

The post Mas maraming aralin kaugnay ng WWII sa tertiary schools umusad sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mas-maraming-aralin-kaugnay-ng-wwii-sa-tertiary-schools-umusad-sa-kamara/)