Dalawang araw lang ang itinagal ng kontrata ng viral na online seller na si Madam Inutz sa talent agency niyang Star Image Artist Management.

Ayon sa ulat, na-‘overwhelm’ lang umano si Madam Inutz o Daisy Lopez Cabantog sa tunay na buhay kaya napapirma sa talent contract.

Nagbago rin daw ang kanyang isip matapos payuhan ng kanyang mga kaibigan at abogado.

Nito lamang Biyernes nang pumirma si Madam Inutz sa nasabing talant company. (VA)

The post Matapos 2 araw: Madam Inutz kumalas sa Star Image first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/matapos-2-araw-madam-inutz-kumalas-sa-star-image/)