Nanguna si Asia’s Next Top Model winner Maureen Wroblewitz sa casting challenge ng Miss Universe Philippines 2021.

Makikita sa kanyang pasilip sa Instagram ang naging video casting niya.


Simpleng puting t-shirt at halos walang make-up ang look ng 23 anyos na modelo.

Laglag naman sa ikaapat na spot si dating Pinoy Big Brother Housemate Kisses Delavin.

Sumunod kay Maureen si Leren Mae Bautista bilang Top 2 at Stefi Rose Aberasturi bilang Top 3.

Kasama rin sa Top 15 sina Katrina Dimaranan, Rousanne Bernos, Kamille Quiñola, Cheri Flejoles, Noelyn CAmpos, Corazon Abalos, Gianne Asuncion, Mirjan Hipolito, Christelle Abello, Victoria Vincent, at Beatrice Gomez.

Nito lamang Linggo ng pangalanan na ng Miss Universe Philippines Organization ang mga kandidatang pasok sa top 50.

Nakatakdang ganapin ang coronation night ng naturang pageant sa Setymebre.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/kisses-maureen-pambato-ng-siargao-swak-sa-top-50/

The post Maureen nilampaso si Kisses sa Miss U PH casting challenge first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maureen-nilampaso-si-kisses-sa-miss-u-ph-casting-challenge/)