Hindi na lang pag momodelo ang pinasok ni Miss Universe Philippines candidate na si Maureen Wroblewitz. Pati kasi sa pag-arte ay napasubo na rin siya.

Bibida ang 23 anyos na modelo sa pelikulang “Runway” kung saan leading man niya si Kit Thompson.

Ayon sa ulat, kuha sa New Zealand ang naturang pelikula.

Sesentro ang kuwento ng pelikula sa buhay ni Hannah (Maureen) na siyang sinubukan ang kapalaran sa New Zealand kung saan niya nakilala si Ben (Kit) na gusto namang bumalik sa ‘Pinas.

Bukod sa dalawa, lilitaw din dito sina MJ Lastimosa at Lana Garland.

Nakatakdang ipalabas ang bagong pelikula sa Setyembre 3.

The post Maureen Wroblewitz, Kit Thompson magsasama sa bagong pelikula, JK Labajo kabado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maureen-wroblewitz-kit-thompson-magsasama-sa-bagong-pelikula-jk-labajo-kabado/)