Pinangunahan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang pagbubukas ng virtual 3-day Kadayawan Festival kahapon.

Kasabay nito, hinimok niya ang publiko na makiisa sa pamahalaan sa pagpuksa sa COVID-19.

“Patuloy na magkaisa, labanan natin ang pandemya! Happy Kadayawan sa inyong tanan!” ani Duterte sa isang mensahe sa kanyang Facebook.

Dagdag pa rito, binigyang-diin din ng opisyal ang kahalagahan ng pagpapanatiling buhay ng mga Dabawenyos sa kanilang kultura kahit na nasa gitna ng pandemya.

“Therefore, it is only fitting that we continue to honor the wealth of our culture, and recognize the numerous contributions of our people from generations past,” aniya.

Nagpaabot din ng pakikiisa sa naturang pista si Pangulong Rodrigo Duterte.

“As you gather for this year’s festivities, I ask everyone to be grateful for all the blessings and to treasure the extraordinary progress that has propelled our city to what it is today,” anang Pangulo sa isang pahayag.

“May this ocassion also strengthen our kinship with each other as we work together in spurring the growth of our industries and our local economy.

Let us always be proud of our history and traditions so that we may truly understand, appreciate and value our identity as a people,” dagdag pa niya.

The post Mayor Sara Duterte pinangunahan virtual Kadayawan Festival first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mayor-sara-duterte-pinangunahan-virtual-kadayawan-festival/)