Pinuri ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa umano’y magandang performance nito kasabay ng pagpuksa ng pamahalaan sa pandemya.

“Our Armed Forces, normally deployed to defend our people against armed attacks, has been contributing significantly to the protection of civilian lives against COVID-19,” saad ng opisyal sa isang pahayag.

Aniya, mahigit 2,000 medical staff din ng Sandatahang Lakas ang naipakalat sa 250 quarantine facility sa bansa.

Dagdag pa rito, inalalayan din umano ng AFP ang nasa 60,000 sibilyan para makauwi ito sa kani-kanilang mga probinsya.

“These humanitarian efforts of our Armed Forces testify to how highly they value civilian lives,” wika niya.

Sinambit ni Medialdea ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng International Humanitarian Law Day na siyang ikinasa nitong Huwebes.

The post Medialdea: AFP good job ngayong pandemya! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/medialdea-afp-good-job-ngayong-pandemya/)