Inendorso ng House Committees on Tourism at on Appropriations ang panukala na gawing ecotourism site ang Sohoton Caves and Natural Bridge na matatagpuan sa Basey, Samar.

Sa ilalim ng House Bill 9827, ang paglinang sa lugar ay gagawing prayoridad ng Department of Tourism upang mas madali itong mapuntahan ng mga turista.

Ang Sohoton Caves and Natural Bridge ay kilala sa angkin nitong natural na ganda gaya ng mga kuweba, limestone, subterranean river at natural stone bridge na nagdurugtong sa dalawang bundok.

Sa mga kuweba sa lugar, ang pinakamalaki ay ang Panhulugan Cave

The post Mga komite ng Kamara inendorso Sohotan Caves sa Samar bilang ecotourism site first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-komite-ng-kamara-inendorso-sohotan-caves-sa-samar-bilang-ecotourism-site/)