Naalarma si Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro sa P5.9 bilyong tapyas sa mga mahahalagang programa at proyekto ng Department of Education sa ilalim ng P5.024 trilyong 2022 national budget.

Sinabi ni Castro na bagamat nakatanggap ng P32.8 bilyon o 6% pagtaas ang DepEd hindi nangangahulugan na sapat ito para pondohan ang mga programa ng ahensya.

“Despite boasting a P99.2 billion budget allocation for the Basic Education Learning Continuity Plan in the Presidential Budget Message, significant cuts can be observed in important projects and programs,” sabi ni Castro.

Habang ipinagmamalaki umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahanda sa pagbabalik ng face-to-face class kaya may inilaang P5.4 bilyon sa ilalim ng Basic Education Facilities program, sinabi ni Castro na ang hindi sinabi ng Pangulo ay mas mababa ito ng P5.7 bilyon o 51% kumpara sa budget ngayong taon.

“How can the Duterte administration say that it is preparing for the gradual reopening of face-to-face classes if it significantly slashed the budget for school facilities?” sabi ng lady solon.

Tinapyasan din umano ang School-Based Feeding program ng P2.7 bilyon o mas mababa ng 45% ng budget ngayong taon.

Ang Flexible Learning Options ay tinapyasan din ng P1.4 bilyon.

Nakatanggap umano ng maliit o walang pagtaas sa budget ng Textbooks and Other Instructional Materials, Early Language Literacy and Numeracy, Multigrade Education, Child Protection Program, at iba pa.

“With these cuts in the significant programs and projects, teachers will once again be forced to use their own funds from their already tight budgets from their measly salaries to bridge the gap of the shortcomings and negligence of the government to provide adequate support for the blended distance learning,” giit ni Castro.

The post Mga programa ng DepEd tinapyasan ng budget—lady solon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-programa-ng-deped-tinapyasan-ng-budget-lady-solon/)