May go signal na ang Inter-Agency Task Force para payagang makalabas at makapag-file ng certificates of candidacy ang mga senior citizen na nais kumandidato sa 2022 eletions.

Sinabi ni Presidential Spokesman Hary Roque na maaring magsumite ng kanilang kandidatura ang mga senior citizen sa alinmang tanggapan ng Commission on Elections.

“The IATF allowed persons over the age of 65 to go out of their residence to personally file their certificates of candidacy in the national office and designated field offices of the Commission on Elections, ” ani Roque.

Ikukunsidera aniyang Authorized Persons Outside of Residence ang mga kakandidatong senior citizen at papayagang makalabas mula October 1-8, 2021, kahit ano pang quarantine classifications ang umiiral .

“They shall be recognized as Authorized Persons Outside of Residence from October 1-8,2021, regardless of community quarantine classification amd vaccination status,” dagdag ni Roque.

Matatandaang ang mga senior citizen ang unang pinagbawalang lumabas ng bahay matapos magdeklara ng lockdown ang gobyerno noong Marso ng nakalipas na taon.

The post Mga senior citizen na kakandidato sa eleksiyon, papayagang makalabas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-senior-citizen-na-kakandidato-sa-eleksiyon-papayagang-makalabas/)