Apat sa 10 personnel position o 5,826 sa Commission on Audit (COA) ang bakante at posibleng humina pa ang manpower ng ahensiya sa napipintong pagretiro ng halos 1,000 kawani ng ahensiya, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

“That’s the equivalent of 10 Army battalions,” ayon kay Recto.

Batay sa dokumento ng 2022 national budget, ang COA ay may 14,102 authorized position kung saan 8,876 lang ang napunan.

“The infusion of young blood is made more urgent if we include the 2,487 COA personnel who are between 56 and 65 years of age,” ani Recto.

“Pag inaudit mo ang workforce nila, ang conclusion ay 30 percent of COA auditors are in the sunset of their careers,” dagdag nito.

Ayon sa senador, dapat maging agresibo at maging malikhain ang COA sa paghahanap na mga bagong empleyado nito.

“Kailangan ng mga millennials pamalit sa mga millenniors. Habang mahaba pa ang panahon for the veterans to mentor the rookies,” sabi ni Recto.

The post Millennials kailangan sa COA – Recto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/millennials-kailangan-sa-coa-recto/)